12 KiB
LocalSend
Tahanan • Discord • GitHub • Codeberg
English (Default) • Español • فارسی • Filipino • Français • Indonesia • Italiano • 日本語 • ភាសាខ្មែរ • 한국어 • Polski • Português Brasil • Русский • ภาษาไทย • Turkish • Українська • Tiếng Việt • 中文
Ang LocalSend ay isang libreng, open-source na app na nagbibigay-daan sa iyo na ligtas na mag-share ng mga file at mensahe sa mga kalapit na device sa iyong lokal network nang hindi nangangailangan ng koneksyon sa internet.
Tungkol
Ang LocalSend ay isang cross-platform na app na nagbibigay-daan para sa ligtas na komunikasyon sa pagitan ng mga device gamit ang REST API at HTTPS encryption. Hindi tulad ng ibang mga messaging apps na umaasa sa mga external servers, ang LocalSend ay hindi nangangailangan ng koneksyon sa internet o mga third-party servers, kaya't ito ay isang mabilis at maaasahang solusyon para sa lokal na komunikasyon.
Mga Screenshots
I-download
Inirerekomenda na i-download ang app mula sa app store o mula sa package manager dahil ang app na ito ay walang auto-update.
| Windows | macOS | Linux | Android | iOS | Fire OS |
|---|---|---|---|---|---|
| Winget | App Store | Flathub | Play Store | App Store | Amazon |
| Scoop | Homebrew | Nixpkgs | F-Droid | ||
| Chocolatey | DMG Installer | Snap | APK | ||
| EXE Installer | AUR | ||||
| Portable ZIP | TAR | ||||
| DEB | |||||
| AppImage |
Magbasa nang higit pa tungkol sa distribution channels.
Pagkakatugma
| Platform | Pinakamababang Bersyon | Paalala |
|---|---|---|
| Android | 5.0 | - |
| iOS | 12.0 | - |
| macOS | 11 Big Sur | Gumamit ng OpenCore Legacy Patcher 2.0.2 (Tingnan ang #1005) |
| Windows | 10 | Ang huling bersyon na sumusuporta sa Windows 7 ay v1.15.4. Maaaring magkaroon ng mga backport ng mas bagong bersyon para sa Windows 7 sa hinaharap. |
| Linux | N.A. | Dependencies: Gnome: xdg-desktop-portal at xdg-desktop-portal-gtk, KDE: xdg-desktop-portal at xdg-desktop-portal-kde |
Setup
Sa karamihan, dapat gumana ang LocalSend out of the box. Gayunpaman, kung ikaw ay nahaharap sa mga problema sa pagpapadala o pagtanggap ng mga file, maaaring kailanganin mong i-configure ang iyong firewall upang pahintulutan ang LocalSend na makipag-ugnayan sa iyong lokal na network.
| Traffic Type | Protocol | Port | Action |
|---|---|---|---|
| Incoming | TCP, UDP | 53317 | Allow |
| Outgoing | TCP, UDP | Any | Allow |
Siguraduhing i-disable ang AP isolation sa iyong router. Karaniwang naka-disable ito sa default ngunit ang ilang mga router ay maaaring naka-enable ito (lalo na sa mga guest network).
Portable Mode
(Ipinakilala sa v1.13.0)
Lumikha ng file na may pangalang settings.json na matatagpuan sa parehong directory ng executable.
Maaaring walang laman ang file na ito.
Gagamitin ng app ang file na ito upang i-save ang mga setting sa halip na ang default na lokasyon.
Simulan ang nakatagong
(Na-update sa v1.15.0)
Upang simulan ang app na nakatago (lamang sa tray), gamitin ang --hidden flag (halimbawa: localsend_app.exe --hidden).
Sa v1.14.0 at mas maaga, ang app ay magsisimula nang nakatago kung ang autostart flag ay naka-set, at ang hidden setting ay naka-enable.
Paano Ito Gumagana
Gumagamit ang LocalSend ng isang secure na protocol ng komunikasyon na nagpapahintulot sa mga device na makipag-usap sa isa't isa gamit ang REST API. Lahat ng data ay ipinapadala nang ligtas sa pamamagitan ng HTTPS, at ang TLS/SSL certificate ay nilikha sa bawat device, na tinitiyak ang maximum na seguridad.
Para sa karagdagang impormasyon sa LocalSend Protocol, tingnan ang documentation.
Pagsisimula
Upang i-compile ang LocalSend mula sa source code, sundin ang mga hakbang na ito:
- I-install ang Flutter directly o gamit ang fvm (tignan ang version required)
- I-clone ang
LocalSendrepository - I-run ang
cd appupang pumasok sa app directory - I-run ang
flutter pub getupang i-download ang mga dependencies - I-run ang
flutter runupang simulan ang app
Note
Kasalukuyang nangangailangan ang LocalSend ng mas lumang bersyon ng Flutter (na tinukoy sa .fvmrc) at ang mga isyu sa build ay maaaring sanhi ng mismatch sa pagitan ng required at ang (system-wide) na naka-install na Flutter version. Upang gawing mas consistent ang development, gumagamit ang LocalSend fvm upang i-manage ang proyekto Flutter version. Pagkatapos i-install ang
fvm, i-run angfvm fluttersa halip naflutter.
Pag-aambag
Malugod naming tinatanggap ang mga kontribusyon mula sa sinumang interesado na makatulong na mapabuti ang LocalSend. Kung nais mong mag-ambag, may ilang mga paraan upang makilahok:
Pagsasalin
Maaari kang makatulong na isalin ang LocalSend sa iba pang mga wika! Inirerekomendang paraan: Gamitin ang platform na Weblate upang pamahalaan ang mga pagsasalin.
Kahaliling paraan: Maaari din kang mag-ambag sa pamamagitan ng pag-fork sa repository na ito at pagdagdag ng mga pagsasalin nang manu-mano.
Ang mga pagsasalin ay matatagpuan sa direktoryong app/assets/i18n. I-edit ang file na _missing_translations_<locale>.json o strings_<locale>.i18n.json upang magdagdag o mag-update ng mga pagsasalin.
Pakitandaan: Ang mga fields na may @ ay hindi dapat isalin; hindi ito ginagamit sa app sa anumang paraan, nagbibigay lamang ng impormasyon tungkol sa file o upang bigyan ng konteksto ang tagasalin.
Pag-aayos ng mga Bug at Improvements
- Pag-aayos ng Bug: Kung nakahanap ka ng bug, mangyaring lumikha ng pull request na may malinaw na paglalarawan ng isyu at kung paano ito aayusin.
- Improvements: May ideya ka kung paano ma-improve ang LocalSend? Mangyaring lumikha ng issue upang talakayin kung bakit kinakailangan ng improvement.
Para sa karagdagang impormasyon, tingnan ang contributing guide.
Pag-troubleshoot
| Isyu | Platform (Nagpapadala) | Platform (Tumatanggap) | Solusyon |
|---|---|---|---|
| Hindi nakikita ang device | Kahit ano | Kahit ano | Siguraduhing i-disable ang AP-Isolation sa iyong router. Kung ito ay naka-enable, ang mga koneksyon sa pagitan ng mga device ay ipinagbabawal. |
| Hindi nakikita ang device | Kahit ano | Windows | Siguraduhing i-configure ang iyong network bilang "private" na network. Ang Windows ay maaaring mas restrictive kapag ang network ay naka-configure bilang public. |
| Hindi nakikita ang device | macOS, iOS | Kahit ano | Maaari mong subukang i-toggle ang "Local Network" permission sa ilalim ng "Privacy" sa mga setting ng OS. |
| Napakabagal ng bilis | Kahit ano | Kahit ano | Gumamit ng 5 Ghz; I-disable ang encryption sa parehong mga device |
| Napakabagal ng bilis | Kahit ano | Android | Kilalang isyu. https://github.com/flutter-cavalry/saf_stream/issues/4 |

